Post Top Ad

Friday, February 22, 2019

Mga Paraan Upang Makapagtago ng Pera ang Isang Estudyante


Ang main source ng income ng isang estudyante ay ang mga allowances na nanggagaling sa kanilang mga guardians o mga magulang. 

Ang allowances na binibigay sa mga estudyante ay pinaghirapan ng kanilang mga magulang o guardians. Nararapat lang na pahalagahan ito ng mga bata at gamitin ito sa mga bagay na makakatulong sa kanila upang makapag-tapos. Suwerte ng ibang mga bata na may mga magulang o guardians na sumusuporta sa kanila. Ang ibang mga bata ay nangangailangan pang maghanap ng side-line upang makapag aral.

Ang ilang mga paraan upang makapagtago ng sobrang pera ang isang estudyante ay nakalagay sa mga susunod na talata:

1. Imonitor ang iyong mga gastusin
Dapat alamin kung sapat ba ang iyong badyet sa mga iyong gastusin. Mainam na gumawa ng badyet gao gastusin ang iyong allowance.

As much as possible, siguraduhing realistic ang gagawin mong badyet. Baka naman kasi sa sobra nitong idealistic eh hindi mo na isinasama sa iyong badyet ang gastusin para sa mga contingencies na gastusin o iyong mga emergency expenses.

2. Maging Matalino sa pag-grocery at sa iba pang bilihin
Possible pa rin na maging healthy kahit na limited lang ang iyong income. May mga produktong mas mabibili ng mas mura. Minsan kasi ay brand nan g product and binabayaran natin at hindi na mismo ang quality. May mga produkto na pareho din ang kalidad kung ikukumpara sa mga high-end brand alternative nito.

3. Wag gumastos ng sobra sa iyong transportation
Ayos lang na magcommute o gumamit ng sasakyan papunta sa paaralan. Ngunit minsan may mga alternatibong paraan upang makatipid ang isang estudyante sa transportation expenses.

Ang estudyante ay maaring mag bike, maglaked o makisakay sa mga kamag-anak o mga kaibigan. Sa ganitong paraan, nakakapagtipid ka sa buwanang badyet mo para sa transportation.

4. Gamitin ang mga pribilehiyo na binibigay ng gobyerno sa mga estudyante
Sa transportation na lang din for example, may discounts ang mga estudyante sa basic education hanggang sa college level (bachelor’s degree students) sa pagsakay nila sa mga public utility vehicles.


Gamitin ang prebilehiyong ito upang makatipid at makapagtabi. Huwag lang kakalimutan na dalhin ang inyong mga school IDs para maka-acquire ng student discounts.

5. Bumili  ng mga librong secondhand
Kung ang libro naman ay updated pa rin, mainam din na bumili na lang mga mga secondhand o pre-loved  na mga libro. Nakatipid ka na, natuto ka pa.

6. Magbayad ng bills sa tamang oras
Ang pagbabayad ng mga bills ng late ay may kasamang penalty at interest. Iwasang magbayad ng extra na gastusin sa ganitong mga bagay sa pamamagitan ng pagbabayad ng maaga pa sa mga due dates nito.

Maari din magset ng mga alarm o reminders sa iyong mobile phones kung kelan ang schedule mo ng pagbabayad sa mga bills.

7. Pay the right Taxes
Kung may mga part-time kang trabaho habang nag-aaral, mainam pa din na magbayad ka ng tamang buwis. May mga penalties at interests na ipinapataw ang gobyerno sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Nakakatulong na hangga’t bata palang ay marunong na tayong sumunod sa batas ng ating inang bansa.



Source:


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages