Post Top Ad

Sunday, February 24, 2019

Mga Paraan Upang Makapagtago pa rin Kahit Maliit ang Buwanang Kita


Nasubukan mo na bang sabihin sa iyong sarili ang mga katagang ito: “Sa susunod na buwan na lang ako magtatabi ng pera.” o “Sa susunod na tatlong buwan na lang ako magtatabi ng pera dahil kailangan ko pang magbayad ng kung anu-ano.”

Madalas nating nasasabi na ang ating kinikita buwan-buwan ay parati na lang kulang. Dagdag pang pahirap sa ang mga utang na dapat mabayaran.

Ang iba naman ay hirap pa rin kahit na napakadami na ang ginagawang raket maka-earn lang ng extra.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upan makapagtago kahit na napaka-liit ng kinikita sa isang buwan:

1. Magbago ng cable service provider o maglipat sa mas mura na cable service provider
Malaki ang maitutulong sa iyo ng pagtitipid o pagbabawas sa buwanang gastusin. Maaari din na imbes na magbayad buwan-buwan sa isang cable service provider maari ding bumili na lang ng TV box na kung saan minsan ka lang magbabayad. Ang isang halimbawa nito ay ang ABS-CBN TV Box na pagkatapos mong magbayad ng one –time payment ay di mo na kakailanganin pang magbayad buwan-buwan ng para sa cable service nito.

2. Bawasan ang Pagkain sa Labas
Totoo nga na ang pagkain ang isa sa mga basic necessity ng isang tao. Kung wala ito, ang tao ay hindi makakasurvive. Ngunit ang pagkain sa labas ay minsan hindi parin maiiwasan lalo na sa mga taong wala nang oras para makapagluto.

Mainam pa rin na makaugalian na sa bahay na lang kumain upang hindi lang para makapagtipid kundi para makasiguro na din sa kalinisan ng pagkain.

3. Subukang Makapag-isip ng Mga Mas Murang Alternatibo sa ilang gastusin
Kahit sa pamimili sa grocery store ay napaka-applicable nito. Madaming mga produkto na pare-pareho ang benefits sa brand lang nagkaiba. Mas mainam na pumili ng brand na mas mura kumpara sa iba. Kumbaga, sa brand lang talaga sila nagkaiba.

4. Humanap ng mga Alternatibong Paraan upang Mabawasan ang Ilang malalaking buwanang gastusin
Kung nalalakihan ka sa renta ng iyong inuupahang kuwarto ay maari kang maghanap na lilipatan o maghanap ka ng pwede mong maging roommate upang magkaroon ka ng kahati sa buwanang rent.

5. Gumamit na Cash sa Pamimili Imbes na Credit Card ang Gamitin sa pamimili
Mas nagkakaroon ng sense of responsibility ang isang tao kung actual na nakikita nya ang totoong halaga ng cash na kanyang pwede lang gastusin.

Mainam pa rin na cash ang gamitin sa pamimili dahil hindi tayo matutukso na umutang / sumobra sa budget.

6. Pakonti-konting Bayaran ang Mga Pinagkakautangan
Ang interest na binabayaran sa pagkakautang ay isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan makapagtago ng pera ang isang indibidwal. Maaring buwan-buwan ay magtabi din ng ilang porsyento ng buwanang sahod bilang pambayad sa mga pinagkakautangan.

Dadating din ang panahon na mababayaran mo din ang lahat ng iyong utang. Masarap ang pakiramdam ng walang pinagkakautangan. Sa sobrang pera na mahahawakan mo, makapagdagdag ka din sa emergency fund mo o magagamit mo ito sa pag-invest sa iba mo pang raket, stocks, at iba pa.s  
  
Source:

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages