Post Top Ad

Wednesday, February 27, 2019

Mga Paraan Upang Makapagtipid at Makaipon ang mga Guro


Madaming mga nababalitang mga guro na nababaon sa utang. Kaya halos lahat ay nagde-demand sa kanilang mga employers na taasan ang kanilang sahod.

Napaka-rewarding na trabaho ang makita mo ang iyong mga estudyante na natuto dahil sa tulong mo. Ang makita lang sa kanilang mga mata ang pagningning dahil sa mga lessons na kanilang natutunan ay sapat nang reward para sa isang guro. Pero maging praktikal din tayo, kailangan din ng isang guro ng pera upang magkaroon ng panggastos sa pang-araw-araw.

Masarap maging guro. At masarap din na maging financial literate. Sabi nga sa isang financial literacy na libro, mas makakatulong tayo sa kapwa kung mayroon tayong extra income or excess income.
Credit Image: https://millerbernstein.com/financial-jargon-10-terms-de-coded/

Ang ilang mga paraan upang makapag-ipon at makapag-tipid ang isang guro ay naka-enumerate:

1. Bantayan maigi ang iyong mga gastusin
Dapat, as much as possible ay sumunod pa rin sa badyet na iyong itinalaga noong ikaw ay nagpa-plano noong nakaraan na buwan. Maari din na magpractis ng disiplina sa sarili at isipin palagi na dapat ikaw ay makatipid.

2. Alamin ang pagkakaiba ng iyong needs at wants
Ang needs ay ang iyong mga pangangailangan upang makasurvive. Ang wants naman ay ang mga pangangailangan na maari naming hindi na muna paggastusan dahil hindi naman ito kailang upang makasurvive ang isang tao.

3. Humingi ng classroom funds sa eskuwelahan kung saan ka nagtatrabaho
May mga eskuwelahan na minsan, sa kakulangan sa mga gamit ay napipilitan na ang mga guro na sila mismo ang gumastos, mula sa kanilang mga pitaka, ng para sa mga classroom activities ng mga bata. Napakababa na nga ng sahod ng mga guro ay sila pa ang napipilitang gumastos para sa classroom activities.

Kaya mainam nab ago pa man magtransfer sa isang kumpanya ay alamin muna kung ang isang paaralan na ito ay nagbibigay ban g pondo para sa mga gastusin ng para sa mga classroom activities.

4. Magbenta ng mga itinatapon na scratch papers at plastic bottles ng iyong mga estudyante at katrabaho.
Sa mga raket na ito, maari mong magamit ang mga proceeds dito bilang iyong pampamasahe sa pang araw-araw mong pagpasok at pag uwi mula sa paaralan.

5.Magbayad ng utang hanggang ito’y tuluyan nang mabayaran
Napakasarap ng  pakiramdam ng walang utang. Ang isang positibong epekto nito sa isang tao ay ang pagkakaroon ng extra cash upang madagdagan ang iyong maiipon. Kapag wala ka ng utang, magkakaroon ka na din ng extra cash na maari mo ding i-invest sa stocks, bonds o sa kahit ano pa mang financial instrument na maaring makatulong sa iyo na lumaki ang iyong pera.

6. Umiwas sa mga hindi healthy na pagkain
Isa sa napakalaking gastos na minsan ay hindi natin nilalagay sa ating buwanang badyet ay ang para sa medical expenses. Napakahirap mapredict kung kelang tayo magkakasakit at sana ay wag na lang. Kaya mas mainam na iwasan na lang ito sa pamamagitan ng pagkain ng healthy na pagkain. 

Kadalasan kasi ng mga produkto na binebenta sa mga bata ay sobrang matamis o sobrang alat. Iwasan ito at magbaon na lang ng prutas pagpasok sa trabaho.

Source:

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages