Post Top Ad

Friday, April 12, 2019

Mga Paraan Upang Maka-Detect ng Pekeng Pera


Ang pera ay nag-seserve as a medium of exchange sa isang nation at para na rin sa transactions ng mga tao o mga kumpanya mula sa iba’t ibang bansa. Ang pera ay unique sa bawat bansa o nation. Ang isang government ay hindi makaka-function ng maayos kung wala itong central banking institution na may kapangyarihan na kontrolin ang movement ng pera sa isang nation. Ito din ay responsible sa  pagbabantay ng mga activities at mga transactions ng mga banko na under sa kanyang governance. 

Credit Image: https://news.abs-cbn.com/business/04/19/14/want-spot-fake-money-heres-quick-trick

Kung walang pera, napakaimposibleng magkaroon ng exchange ng goods between people of a nation. Mahihirapan din makapag-transact ang mga kumpanya ng iba’t ibang bansa sa isa’t isa kung walang central monetary unit ang kanilang mga bansa.

Kahit nagbago na ng disenyo ang Banko Sentral ng Pilipinas ng disenyo para sa mga centavos, piso, limang piso, sampung piso, beinte pesos, fifty pesos, isang daang piso, dalawang daang piso, limang daang piso, at isang libong piso ay hindi pa rin nakakaligtas ang bawat Pilipino at mga turista na gumagamit nito kung authentic ba o peke ang kanilang mga ginagamit na mga pera.

Sa napakadaming mga security features na makikita sa mga pera noong nakaraang disenyo ng Philippine Peso bills ay hindi pa rin ito nagging sapat upang totally o buong mabigyan ng proteksyon ang mga Pilipino at mga turista sa mga pekeng Philippines Peso bills and coins.

Ang mga sumusunod ay ilang mga paraan upang malaman kung authentic o peke ang isang Philippine bill:

1. Tingnan maigi ang mga serial number at kulay ng serial number ng Peso bill
Ang madalas na feature ng isang peke na Peso bill ay ang pagakakaroon nito ng mas light o mas matingkad na kulay kung ito ay ikukumpara sa authentic na Peso bills na ini-issue ng Banko Sentral ng Pilipinas. Kapag tumatanggap ng pera, tingnan maaigi ito at hanapan ng inconsistencies sa design. Maari ding bigyan ng pansin ang mga serial numbers ng tatanggapin na pera. Maari rin kasing magkakapareho ang serial numbers ng mga pekeng pera.

2. I-check maigi ang texture ng Philippine Peso Bill na iyong tatanggapin
Ang mga authentic na Philippine Peso bills ay gawa sa abaca at cotton. Ang fibers ng abaca at cotton ay mas rough ang texture kung ikukumpara sa mga pekeng Philippine Peso bills. Ang material na ginamit sa paggawa ng mga Philippine Peso bills ay nagsisilbing importanteng security feature na itinalaga ng Banko Sentral sa mga authentic na mga Phillippine Peso bills.

3. Humanap ng mga raised na mga texts at images sap era
Ang mga images at mga texts ay dapat raised at ito din dapat ay embossed.

4. Subukang i-damage ng konti ang Peso Bill
Subukang basain ng konti ang bill at i-rub ito sa isang papel o putting surface. Kung ang kulay nito ay bumakat ay ito ay isang fake na Philippine Peso Bill.

5. Hanapin ang Watermark sa isang Philippine Peso Bill
Itapat ang isang Philippine peso bill sa malakas na ilaw. Ang isang portion nito ay makikita ng malinaw sa may bakanteng parte ng pera. Kung walang lumabas na watermark ay senyales na ang perang iyong hawak ay isang fake.

Source: https://www.moneymax.ph/personal-finance/articles/check-fake-paper-bills/

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot

Pages